-
Lucas 14:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Naroon sa harap niya ang isang taong minamanas.
-
-
Lucas 14:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 At, narito! sa harap niya ay may isang taong minamanas.
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
minamanas: O “edema,” sobrang likido sa katawan na nagdudulot ng pamamaga. Ang terminong ito ay ginagamit ng mga doktor noon; si Hippocrates ang unang gumamit nito, isang Griegong doktor noong ikalima at ikaapat na siglo B.C.E. Kinatatakutan ang pamamanas dahil posibleng sintomas ito na malala ang kondisyon ng mahahalagang sangkap ng katawan at kadalasan nang bigla na lang namamatay ang isang taong minamanas. Naniniwala ang ilan na pakana ng mga Pariseo na dalhin ang lalaking ito kay Jesus sa araw ng Sabbath, dahil sinasabi sa talata 1: “Binabantayan nila siyang mabuti.” Isa ito sa di-bababa sa anim na himala na sa Ebanghelyo lang ni Lucas binanggit.—Tingnan ang “Introduksiyon sa Lucas.”
-