-
Lucas 15:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Pagkatapos, sinabi niya: “Isang tao ang may dalawang anak na lalaki.
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Isang tao ang may dalawang anak na lalaki: Ang ilang aspekto ng ilustrasyon ni Jesus tungkol sa alibughang anak ay naiiba kumpara sa ibang ilustrasyon niya. Isa ito sa pinakamahahabang ilustrasyon ni Jesus. Ang isang kapansin-pansing aspekto nito ay ang paggamit dito ng ugnayan ng magkakapamilya. Sa ibang ilustrasyon ni Jesus, madalas siyang gumamit ng mga walang-buhay na bagay, gaya ng iba’t ibang uri ng binhi o lupa. Kung minsan naman, ang mga ilustrasyon niya ay tungkol sa ugnayan ng panginoon at mga alipin nito. (Mat 13:18-30; 25:14-30; Luc 19:12-27) Pero sa ilustrasyong ito, itinampok ni Jesus ang malapít na kaugnayan ng isang ama sa mga anak niya. Posibleng walang mabait at mapagmahal na ama ang marami sa mga nakakarinig sa ulat na ito. Ipinapakita ng ilustrasyong ito ang malaking awa at pag-ibig ng ating Ama sa langit para sa mga anak niya sa lupa—para sa mga nananatiling tapat sa kaniya o kahit sa mga napawalay pero nanumbalik.
-