-
Lucas 15:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Pagkalipas ng ilang araw, tinipon ng nakababatang anak ang lahat ng pag-aari niya, pumunta sa isang malayong lupain, at nilustay ang mga pag-aari niya sa masamang pamumuhay.
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nilustay: Ang salitang Griego na ginamit dito ay literal na nangangahulugang “ikalat (sa iba’t ibang direksiyon).” (Luc 1:51; Gaw 5:37) Sa Mat 25:24, 26, isinalin itong “nagtatahip.” Dito, tumutukoy ito sa pag-aaksaya at pagwawaldas ng pera.
masamang pamumuhay: O “maaksayang (iresponsableng) pamumuhay.” Ganiyan ang pagkakagamit ng kaugnay na salitang Griego sa Efe 5:18; Tit 1:6; 1Pe 4:4. Dahil ang salitang Griegong ito ay puwede ring tumukoy sa pagiging magastos o maaksaya, ang ilustrasyong ito ay tinawag na “ang alibughang (maaksayang) anak.”
-