-
Lucas 15:20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Kaya siya ay tumindig at pumaroon sa kaniyang ama. Habang siya ay nasa malayo pa, nakita siya ng kaniyang ama at nahabag, at ito ay tumakbo at sumubsob sa kaniyang leeg at magiliw siyang hinalikan.
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
hinalikan siya: O “magiliw siyang hinalikan.” Sinasabing ang terminong Griego na isinaling “hinalikan” ay isang pinatinding anyo ng pandiwang phi·leʹo, na isinasalin din kung minsan na “halikan” (Mat 26:48; Mar 14:44; Luc 22:47) pero mas madalas na nangangahulugang “mahalin” (Ju 5:20; 11:3; 16:27). Dahil sa magiliw na pagsalubong ng ama sa kaniyang anak, makikita sa ilustrasyon na handang tanggaping muli ng ama ang nagsisisi niyang anak.
-