-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
naging marunong siya sa praktikal na paraan: O “kumilos siya nang may karunungan (nang maingat).” Ang salitang Griego na phro·niʹmos ay isinalin ditong “marunong siya sa praktikal na paraan.” Ang mga anyo ng kaugnay na pang-uri ay isinaling mas marunong sa praktikal na paraan sa huling bahagi ng talatang ito at “matalino” sa Mat 7:24; 24:45; 25:2; at Luc 12:42.—Tingnan ang study note sa Mat 24:45; Luc 12:42.
sistemang ito: Ang salitang Griego na ai·onʹ, na literal na nangangahulugang “panahon,” ay puwedeng tumukoy sa kalakaran o sa mga pagkakakilanlan ng isang espesipikong yugto ng panahon. Sa kontekstong ito, tumutukoy ito sa kasalukuyang masamang sistema at sa makasanlibutang paraan ng pamumuhay.—Tingnan sa Glosari, “Sistema.”
-