-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Ang Kautusan at mga Propeta: Ang “Kautusan” ay ang mga aklat ng Bibliya mula Genesis hanggang Deuteronomio. Ang “mga Propeta” naman ay ang mga aklat ng hula sa Hebreong Kasulatan. Pero kapag pinagsama ito, ang ekspresyon ay masasabing tumutukoy sa buong Hebreong Kasulatan.—Mat 5:17; 7:12; 22:40; tingnan ang study note sa Mat 11:13.
nagsisikap nang husto: Ang salitang Griego na ginamit dito ay nagpapakita ng pagiging puspusan. Negatibo ang pagkakaintindi rito ng ilang tagapagsalin ng Bibliya. Iniisip nilang nangangahulugan ito ng marahas na pagkilos o pagdurusa dahil sa karahasan. Pero dahil ang konteksto ay tungkol sa Kaharian ng Diyos na ipinahahayag bilang mabuting balita, masasabing positibo ito at nangangahulugang “pagsisikap na makuha ang isang bagay na gustong-gusto mo.” Maliwanag na inilalarawan nito ang matinding pagsisikap na ginawa ng mga tumugon sa pangangaral ng mabuting balita tungkol sa Kaharian ng Diyos, kung kaya nagkaroon sila ng pag-asa na maging bahagi ng Kahariang iyon.
-