-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
dahilan ng pagkatisod: Ang orihinal na kahulugan ng salitang Griego na skanʹda·lon ay ipinapalagay na tumutukoy sa isang bitag; sinasabi ng ilan na tumutukoy ito sa isang patpat na pinagkakabitan ng isang pain. Nang maglaon, tumutukoy na rin ito sa anumang bagay na puwedeng ikatisod o ikabagsak ng isa. Sa makasagisag na diwa, tumutukoy ito sa isang pagkilos o kalagayan na nagiging dahilan para malihis ng landas ang isang tao o magkasala. Sa Luc 17:2, ang kaugnay na pandiwang skan·da·liʹzo, na isinaling “maging dahilan . . . ng pagkatisod,” ay puwede ring isalin na “maging bitag; maging dahilan ng pagkakasala.”
-