-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pitong beses . . . sa isang araw: Posibleng naalala ni Pedro sa ekspresyong ito ang isinagot sa kaniya noon ni Jesus. Tinanong dati ni Pedro si Jesus kung ilang beses dapat magpatawad sa isang kapatid. Sinabi ni Jesus: “Hanggang sa 77 ulit.” (Tingnan ang study note sa Mat 18:22.) Hindi literal ang mga sinabing ito ni Jesus. Ang ibig sabihin ng “pitong beses” dito ay walang takdang bilang. (Ihambing ang ekspresyong “pitong ulit . . . sa isang araw” sa Aw 119:164, na nangangahulugang paulit-ulit at palagi.) Ang isang Kristiyano ay posibleng magkasala sa kapatid niya nang pitong beses sa isang araw at magsisi rin nang pitong beses sa araw na iyon. Kapag sinaway ang isang nagkasala at nagsisi siya, dapat siyang patawarin. Sa ganitong mga sitwasyon, walang limitasyon ang pagpapatawad sa nagkasala.—Luc 17:3.
-