-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kasinliit ng binhi ng mustasa: Tingnan ang study note sa Luc 13:19.
punong ito ng itim na mulberi: Isang beses lang binanggit ang punong ito sa Bibliya. Sinasabing ang salitang Griego na ginamit dito, sy·kaʹmi·nos, ay ang puno ng mulberi, at karaniwan sa Israel ang itim na mulberi (Morus nigra). Matibay ang punong ito, at ang taas nito ay umaabot nang mga 6 m (20 ft). Malalaki at hugis-puso ang mga dahon nito, at ang mga bunga nito ay kulay pula o itim at kahawig ng blackberry. Malalim at malawak ang naaabot ng mga ugat nito, kaya hindi ito basta-basta mabubunot.
-