-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
10 lalaking ketongin: Noong panahon ng Bibliya, lumilitaw na nagsasama-sama ang mga ketongin o tumitira sa iisang lugar para matulungan nila ang isa’t isa. (2Ha 7:3-5) Sa Kautusan ng Diyos, dapat na nakabukod ang mga ketongin. Dapat ding sumigaw ang isang ketongin ng “Marumi, marumi!” para layuan siya ng mga tao. (Lev 13:45, 46) Kaya bilang pagsunod sa Kautusan, ang mga ketongin ay tumayo lang nang malayo kay Jesus.—Tingnan ang study note sa Mat 8:2 at Glosari, “Ketong; Ketongin.”
-