-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
panahon ni Noe: Lit., “mga araw ni Noe.” Sa Bibliya, ang terminong “panahon ni” ay tumutukoy kung minsan sa panahong nabuhay ang isang partikular na tao. (Isa 1:1; Jer 1:2, 3; Luc 17:28) Dito, ang “panahon ni Noe” ay ikinumpara sa mga araw ng Anak ng tao. Sa katulad na pananalita na nasa Mat 24:37, ginamit ang ekspresyong “presensiya ng Anak ng tao.” Ipinapakita ni Jesus na ang sukdulang bahagi ng “mga araw” o “presensiya” niya ay may pagkakatulad sa sukdulang bahagi ng panahon ni Noe, kung kailan dumating ang Baha; pero hindi lang niya dito ikinukumpara ang “presensiya” niya. Maraming taon ang saklaw ng “panahon ni Noe.” Kaya may basehan sa unawa na ang inihulang “mga araw [o “presensiya”] ng Anak ng tao” ay sasaklaw rin ng maraming taon at magtatapos sa pagkapuksa ng mga hindi naghahanap ng kaligtasan.—Tingnan ang study note sa Mat 24:3.
-