-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
maliliit na anak: O “mga sanggol.” Ang salitang Griego na breʹphos na ginamit dito ay tumutukoy sa napakaliit na mga bata, sanggol, o kahit nga sa mga nasa sinapupunan pa. (Luc 1:41; 2:12; Gaw 7:19; 2Ti 3:15; 1Pe 2:2) Ibang salitang Griego (pai·diʹon) ang ginamit sa kaparehong ulat sa Mat 19:13 at Mar 10:13. Ang terminong ito ay ginamit para sa mga bagong-silang na sanggol at maliliit na bata (Mat 2:8; Luc 1:59) at pati sa 12-taóng-gulang na anak ni Jairo (Mar 5:39-42). Ang paggamit ng mga manunulat ng Ebanghelyo ng magkaibang salitang Griego ay nagpapakita na iba-iba ang edad ng mga bata sa eksenang ito, pero lumilitaw na nagpokus si Lucas sa maliliit na bata na naroon.
-