-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
bangko: Sa talinghaga ng mga mina sa Ebanghelyo ni Lucas at sa ilustrasyon ng mga talento sa Ebanghelyo ni Mateo, parehong binanggit ni Jesus ang mga bangko na nagbibigay ng interes sa perang idinedeposito sa mga ito. (Mat 25:14-30; Luc 19:12-27) Ang salitang Griego na traʹpe·za, isinalin ditong “bangko,” ay literal na nangangahulugang “mesa.” (Mat 15:27) Kapag iniuugnay ito sa pananalapi, tumutukoy ito sa isang mesa na ginagamit ng mga tagapagpalit ng pera. (Mat 21:12; Mar 11:15; Ju 2:15) Noong unang siglo C.E., maraming nagpapautang, o mga bangko, sa Israel at sa nakapalibot na mga bansa.
pera: Tingnan ang study note sa Mat 25:18.
interes: Pinagbabawalan ng Kautusan ang mga Israelita na magpautang nang may interes sa mahihirap na Judio. (Exo 22:25) Pero puwedeng magpatong ng interes sa utang ng mga dayuhan, na malamang na gagamitin ng mga ito para sa negosyo. (Deu 23:20) Noong panahon ni Jesus, lumilitaw na karaniwang nakakakuha ng interes sa perang idineposito sa mga nagpapautang.
-