-
Lucas 19:40Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
40 Pero sumagot siya: “Sinasabi ko sa inyo, kung mananahimik sila, ang mga bato ang sisigaw.”
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang mga bato ang sisigaw: Ipinapakita sa konteksto na ang tinutukoy ni Jesus ay ang isinisigaw ng mga alagad niya na hindi nagustuhan ng mga Pariseo. (Luc 19:37-39) Isinisigaw ng mga alagad ang nasa Aw 118:26. Ang awit na iyan ay isa ring hula na siguradong matutupad sa pagkakataong iyon, dahil hindi babalik kay Jehova ang mga salita niya “nang walang resulta.” (Isa 55:11) Kung nanahimik ang mga alagad noon, ang mga bato ang sisigaw para matupad ang hulang ito.
-