-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga tao: Lit., “mga anak.” Ang salitang Griego na ginamit dito ay nasa panlalaking anyo. Pero sa kontekstong ito, malawak ang kahulugan ng salitang ito at hindi lang tumutukoy sa anak na lalaki. Malinaw na lalaki at babae ang tinutukoy dito dahil dalawang magkaibang salitang Griego ang ginamit para sa nag-aasawa, isa para sa mga lalaki at isa para sa mga babae. Sa kontekstong ito, ang buong ekspresyong “mga tao sa sistemang ito” ay maliwanag na isang idyoma para sa mga taong makasanlibutan ang ugali at paraan ng pamumuhay.
sistemang ito: Ang salitang Griego na ai·onʹ, na literal na nangangahulugang “panahon,” ay puwedeng tumukoy sa kalakaran o sa mga pagkakakilanlan ng isang espesipikong yugto ng panahon. Sa kontekstong ito, tumutukoy ito sa kasalukuyang sistema.—Tingnan ang study note sa Mat 12:32; Mar 10:30 at Glosari, “Sistema.”
-