Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 20:37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 37 Sa ulat tungkol sa matinik na halaman,* may binanggit si Moises tungkol sa pagbuhay-muli sa mga patay. Tinawag niya si Jehova* na ‘Diyos ni Abraham at Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.’+

  • Lucas 20:37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 37 Ngunit ang tungkol sa pagbabangon sa mga patay ay ibinunyag din naman ni Moises, sa ulat tungkol sa tinikang-palumpong,+ nang tawagin niya si Jehova na ‘ang Diyos ni Abraham at Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.’+

  • Lucas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 20:37

      Kuwento ng Buhay ng mga Saksi ni Jehova, artikulo 7

      Ang Bantayan,

      5/1/2005, p. 13

      3/1/1986, p. 28-29

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20:37

      may binanggit si Moises: Tingnan ang study note sa Mar 12:26.

      Tinawag niya si Jehova na ‘Diyos ni Abraham’: O “Sinabi niya: ‘Si Jehova na Diyos ni Abraham.’” Ipinapaliwanag dito ni Jesus na kahit matagal nang patay ang mga patriyarka, ipinakita ni Moises na Diyos pa rin nila si Jehova. Ang siniping bahagi sa talatang ito ay mula sa Exo 3:6. Makikita sa naunang mga talata (Exo 3:4, 5) na si “Jehova” ang nagsasalita, at sa Exo 3:6, sinabi ni Jehova kay Moises: “Ako ang Diyos ng iyong ama, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob.” Noong panahong iyon, 329 na taon nang patay si Abraham, 224 si Isaac, at 197 si Jacob. Pero hindi sinabi ni Jehova: ‘Ako ang Diyos nila noon,’ kundi sinabi niya: ‘Ako ang Diyos nila.’ Ang pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan ay isa sa mga dahilan kung bakit ginamit ng Bagong Sanlibutang Salin ang pangalang Jehova sa mismong teksto.​—Tingnan ang Ap. C1 at introduksiyon sa Ap. C3; Luc 20:37.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share