-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pagtitiis: Ang pangngalang Griego na hy·po·mo·neʹ ay ginagamit sa Kasulatan para tumukoy sa “pagtitiis” na may kasamang lakas ng loob, paninindigan, at pagtitiyaga; hindi ito nawawalan ng pag-asa kahit may mga hadlang, pag-uusig, pagsubok, o tukso. Ang kaugnay na pandiwa na hy·po·meʹno, na isinasaling “magtiis,” ay literal na nangangahulugang “manatili sa ilalim.” Karaniwan na, nangangahulugan itong “pananatili sa halip na pagtakas; paninindigan; pagtitiyaga; pananatiling matatag.”—Mat 10:22; Ro 12:12; Heb 10:32; San 5:11.
maililigtas ninyo ang inyong buhay: Makikita sa konteksto ang kahulugan ng salitang Griego na psy·kheʹ na ginamit dito. (Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”) Kadalasan nang tumutukoy ito sa buhay ng isang tao, sa kasalukuyan man o sa hinaharap. Sa kontekstong ito, puwede rin itong isalin na “inyong buhay sa hinaharap” o “inyong tunay na buhay.”
-