-
Lucas 23:31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 Kung ito ang nangyayari habang buháy pa ang puno, ano na lang ang mangyayari kung tuyot na ito?”
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
habang buháy pa ang puno, . . . kung tuyot na ito: Lumilitaw na ang tinutukoy rito ni Jesus ay ang bansang Judio. Para itong puno na malapit nang mamatay. Nang panahong iyon, buháy pa ang puno dahil buháy pa si Jesus at may mga Judio pa na naniniwala sa kaniya. Pero malapit nang patayin si Jesus, at ang tapat na mga Judio ay papahiran ng banal na espiritu at magiging bahagi na ng espirituwal na Israel. (Ro 2:28, 29; Gal 6:16) Pagdating ng panahong iyon, mamamatay na sa espirituwal ang literal na bansang Israel, gaya ng tuyot na puno.—Mat 21:43.
-