-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
patawarin mo sila: Hindi sinasabi sa konteksto kung para kanino ang kahilingang ito ni Jesus, pero malamang na ang nasa isip niya ay ang mga taong sumisigaw na patayin siya, na ang ilan ay nagsisi nang maglaon. (Gaw 2:36-38; 3:14, 15) Posibleng kasama rin dito ang mga sundalong Romano na nagpako kay Jesus sa tulos; hindi kasi nila naiintindihan kung gaano kabigat ang kasalanan nila dahil hindi naman nila siya kilala. Pero siguradong hindi niya hihilingin sa kaniyang Ama na patawarin ang mga punong saserdote, na talagang may pananagutan sa kamatayan niya. Alam na alam nila kung ano ang ginagawa nila nang magsabuwatan sila para patayin si Jesus. Ginawa nila ito dahil sa inggit. (Mat 27:18; Mar 15:10; Ju 11:45-53) Gayundin, malamang na hindi niya hihilingin sa kaniyang Ama na patawarin ang mga kriminal na katabi niya dahil wala naman silang kinalaman sa kamatayan niya.
. . . ginagawa nila: Ang unang bahagi ng talatang ito ay hindi mababasa sa ilang sinaunang manuskrito. Pero makikita ito sa ibang sinauna at maaasahang mga manuskrito, kaya inilagay ito sa Bagong Sanlibutang Salin at sa maraming iba pang salin ng Bibliya.
-