-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga ikaanim na oras: Mga 12:00 n.t.—Tingnan ang study note sa Mat 20:3.
nagdilim: Ang kadilimang ito ay isang himala na gawa ng Diyos. Hindi ito dahil sa solar eclipse, dahil nangyayari ang solar eclipse kapag bagong buwan. Pero panahon ng Paskuwa noon at kabilugan ng buwan. At ang kadilimang ito ay umabot nang tatlong oras, na di-hamak na mas matagal kaysa sa pinakamahabang total eclipse na posible, na hindi aabot nang walong minuto. Mababasa sa ulat na ito ni Lucas na “naglaho ang liwanag ng araw.”—Luc 23:45.
ikasiyam na oras: Mga 3:00 n.h.—Tingnan ang study note sa Mat 20:3.
-