-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ipinagkakatiwala ko na ang buhay ko: Dito, sinipi ni Jesus ang Aw 31:5, kung saan hiniling ni David sa Diyos na ingatan ang buhay niya. Bago mamatay si Jesus, ipinagkatiwala na niya kay Jehova ang kaniyang puwersa ng buhay; kaya nakasalalay sa Diyos ang pag-asa niyang mabuhay sa hinaharap.—Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
namatay: Ang pandiwang Griego dito na ek·pneʹo (lit., “bumuga ng hininga”) ay puwede ring isaling “nalagutan ng hininga.” (Tingnan ang study note sa Mat 27:50.) Maliwanag sa Kasulatan na nang mamatay si Jesus, hindi siya agad umakyat sa langit. Sinabi mismo ni Jesus na “sa ikatlong araw” pa siya bubuhaying muli. (Mat 16:21; Luc 9:22) At ipinapakita sa Gaw 1:3, 9 na lumipas pa ang 40 araw bago siya umakyat sa langit.
-