-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
umalis sila . . . para ibalita sa 11 apostol . . . ang lahat ng ito: Ang pagkabuhay-muli ni Jesus ay puwede sanang sa mga lalaking alagad muna ipinaalám ng dalawang anghel, na tinukoy sa Luc 24:4 bilang mga “lalaki na may nagniningning na damit.” Pero ibinigay sa mga babae ang pribilehiyo na unang makaalam ng tungkol dito. (Luc 24:6-9; Ju 20:11-18) At mga babae rin ang pinagkatiwalaan na ibalita ito “sa 11 apostol at sa iba pang alagad.” Bukod diyan, si Maria Magdalena ay isa sa mga alagad na unang nakakita sa binuhay-muling si Jesus.—Ju 20:16; tingnan ang study note sa Mat 28:7.
sa libingan: Hindi makikita ang pananalitang ito sa ilang manuskrito, pero mababasa ito sa luma at maaasahang mga manuskrito.
-