-
Lucas 24:32Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
32 At sinabi nila sa isa’t isa: “Hindi ba nagniningas ang ating mga puso habang nagsasalita siya sa atin sa daan, habang lubusan niyang binubuksan ang Kasulatan sa atin?”
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nagniningas: Ang ekspresyong ginamit dito ay galing sa salitang Griego na puwedeng tumukoy sa matitinding emosyon, gaya ng kagalakan at kasiyahan, at sa pagiging interesadong-interesado at sabik. Inilalarawan nito ang reaksiyon ng dalawang alagad habang malinaw na ipinapaliwanag sa kanila ni Jesus ang Hebreong Kasulatan.
malinaw niyang ipinapaliwanag . . . ang Kasulatan: Ang pandiwang Griego para sa “malinaw na ipaliwanag” (di·a·noiʹgo) ay ginamit nang tatlong beses sa kabanatang ito. Una, sa Luc 24:31, inilarawan nito kung paano “nabuksan ang mga mata” ng dalawang alagad kaya nalaman nila na si Jesus ang kausap nila. Ikalawa, sa Luc 24:32, ginamit naman ang salitang ito para sa pariralang ‘malinaw na ipinapaliwanag.’ At ikatlo, sa Luc 24:45, ginamit ang salitang Griegong ito para ilarawan kung paano “binuksan” ni Jesus ang isip ng mga alagad para maintindihan ng mga ito ang Hebreong Kasulatan.—Tingnan din ang Gaw 7:56, “bukás”; 16:14, “binuksan”; at 17:3, “ipinaliwanag [lit., “lubusang binuksan”],” kung saan ginamit din ang salitang Griego na ito.
-