-
Lucas 24:37Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
37 Pero nagulat sila at natakot dahil akala nila, isang espiritu ang nakikita nila.
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
espiritu: Ang salitang Griego na pneuʹma ay puwedeng tumukoy sa di-nakikitang espiritung persona, pero dito, maliwanag na tumutukoy ito sa isang aparisyon o pangitain. Ipinakita ni Jesus sa mga alagad niya ang kaniyang mga kamay at paa at sinabi: “Hawakan ninyo ako at tingnan, dahil ang isang espiritu ay walang laman at buto, hindi gaya ng nakikita ninyo sa akin.” (Luc 24:39) Patunay ito na hindi siya aparisyon kundi nagkatawang-tao siya, gaya ng mga anghel noon, para makita siya ng mga alagad.—Gen 18:1-8; 19:1-3.
-