-
Lucas 24:39Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
39 Tingnan ninyo ang mga kamay at paa ko para malaman ninyo na ako nga ito; hawakan ninyo ako at tingnan, dahil ang isang espiritu ay walang laman at buto, hindi gaya ng nakikita ninyo sa akin.”
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga kamay at paa ko: Karaniwan nang ipinapako ng mga Romano sa tulos ang mga kamay (at malamang na pati ang mga paa) ng isang akusado, gaya ng ginawa nila kay Jesus. (Aw 22:16; Ju 20:25, 27; Col 2:14) Naniniwala ang ilang iskolar na ipinako ang mga paa ni Jesus sa mismong tulos o sa isang tabla na nakakabit sa tulos.
-