Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 1:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Kaya ang Salita ay naging tao*+ at namuhay kasama namin, at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatian na tinatanggap ng kaisa-isang anak+ mula sa kaniyang ama; at nasa kaniya ang pabor ng Diyos* at nagtuturo siya ng katotohanan.

  • Juan 1:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Kaya ang Salita ay naging laman+ at tumahan sa gitna natin, at nakita natin ang kaniyang kaluwalhatian, isang kaluwalhatian na gaya ng sa isang bugtong na anak+ mula sa isang ama; at puspos siya ng di-sana-nararapat na kabaitan at katotohanan.+

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:14

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 15

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 165-166

      Kaunawaan, p. 43, 132, 441-442, 567, 1056, 1202, 1209-1210, 1297

      Ang Bantayan,

      1/15/2005, p. 13

      4/1/1993, p. 12

      1/15/1992, p. 20-21

      9/15/1991, p. 23

      9/1/1989, p. 11

      Trinidad, p. 15-16

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:14

      ang Salita ay naging tao: Tao si Jesus mula nang ipanganak siya hanggang mamatay. Ipinaliwanag ni Jesus kung bakit kailangan niyang maging tao: “Ang tinapay na ibibigay ko alang-alang sa sangkatauhan ay ang aking katawan [bilang tao].” (Ju 6:51) Isa pa, dahil naging totoong tao si Jesus, naranasan niya ang pinagdaraanan ng mga taong may laman at dugo, kaya lubusan niya tayong nauunawaan bilang Mataas na Saserdote. (Heb 4:15) Imposibleng naging tao at tulad-diyos si Jesus nang sabay dahil sinasabi sa Kasulatan na “ginawa siya noong mas mababa nang kaunti sa mga anghel.” (Heb 2:9; Aw 8:4, 5; tingnan ang study note sa tao sa talatang ito.) Pero hindi lahat ay naniniwalang naging tao si Jesus. Halimbawa, pinaghalo-halo ng mga Gnostiko—na naniniwalang ang kaalaman (sa Griego, gnoʹsis) ay nakukuha sa mahiwagang paraan—ang Griegong pilosopiya, mahiwagang turo ng mga taga-Silangan, at mga turo ng apostatang mga Kristiyano. Para sa kanila, ang lahat ng pisikal na bagay ay masama. Dahil dito, itinuturo nila na hindi naging tao si Jesus kundi nagkatawang-tao lang. Lumilitaw na malakas ang impluwensiya ng sinaunang gnostisismo noong dulong bahagi ng unang siglo C.E., kaya malamang na may pinapalitaw na punto si Juan nang isulat niyang “ang Salita ay naging tao.” Sa mga liham ni Juan, nagbabala siya laban sa huwad na turo na si Jesus ay hindi “dumating bilang tao.”​—1Ju 4:2, 3; 2Ju 7.

      tao: Lit., “laman.” Ang salitang Griego na sarx ay ginamit dito para tumukoy sa buháy na nilalang na may pisikal na katawan. Nang ipanganak si Jesus bilang tao, hindi na siya espiritu. Hindi lang siya basta nagkatawang-tao, gaya ng ginawa ng mga anghel noon. (Gen 18:1-3; 19:1; Jos 5:13-15) Kaya tama lang na tawagin ni Jesus ang sarili niya na “Anak ng tao.”​—Ju 1:51; 3:14; tingnan ang study note sa Mat 8:20.

      namuhay: Lit., “nanirahan sa tolda.” Iniisip ng ilan na noong sabihing ang Salita ay ‘namuhay, o nanirahan sa tolda, kasama ng mga tao,’ nangangahulugan itong si Jesus ay hindi naging totoong tao kundi nagkatawang-tao lang. Pero nang banggitin ni Pedro ang tungkol sa sarili niyang katawan bilang pansamantalang tirahan, ginamit niya ang kaugnay na pangngalan na isinasaling “tabernakulo,” o “tolda.” (2Pe 1:13; tlb.) Kahit alam ni Pedro na malapit na siyang mamatay at bubuhayin siyang muli sa espiritu at hindi sa laman, hindi niya ipinapahiwatig na nagkatawang-tao lang siya.​—2Pe 1:13-15; tingnan din ang 1Co 15:35-38, 42-44; 1Ju 3:2.

      nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian: Sa buhay at ministeryo ni Jesus, nakita ni Juan at ng iba pang apostol ang kaluwalhatian, o kadakilaan, na maipapakita lang ng isa na perpektong nakakatulad sa mga katangian ni Jehova. Nasaksihan din nina apostol Juan, Santiago, at Pedro ang pagbabagong-anyo ni Jesus. (Mat 17:1-9; Mar 9:1-9; Luc 9:28-36) Kaya posibleng ang tinutukoy dito ni Juan ay hindi lang ang pagpapakita ni Jesus ng mga katangian ng Diyos, kundi pati ang pagbabagong-anyo na nasaksihan niya mahigit 60 taon na ang nakakalipas. Tumatak din ang pangyayaring ito sa isip ni apostol Pedro, na sumulat ng mga liham niya mga 30 taon bago isulat ni Juan ang Ebanghelyo niya. Espesipikong tinukoy ni Pedro ang pagbabagong-anyo bilang kahanga-hangang katuparan ng “binanggit na hula.”​—2Pe 1:17-19.

      kaisa-isang anak: Ang salitang Griego na mo·no·ge·nesʹ ay nangangahulugang “kaisa-isa; bugtong; nag-iisa sa kaniyang uri; natatangi.” Ang terminong ito ay ginagamit sa Bibliya para ilarawan ang kaugnayan ng anak na lalaki o babae sa mga magulang niya. (Tingnan ang study note sa Luc 7:12; 8:42; 9:38.) Sa mga isinulat ni apostol Juan, kay Jesus lang niya ginamit ang terminong ito (Ju 3:16, 18; 1Ju 4:9), pero hindi niya tinutukoy ang kapanganakan o pagiging tao ni Jesus. Kapag ginagamit ito ni Juan, ang tinutukoy niya ay ang pag-iral ni Jesus bago siya maging tao bilang Logos, o ang Salita, na “sa simula pa lang” ay kasama na ng Diyos “bago pa umiral ang sanlibutan.” (Ju 1:1, 2; 17:5, 24) Si Jesus ang “kaisa-isang anak” dahil siya ang Panganay ni Jehova at ang kaisa-isang direktang nilalang ng Diyos. Tinatawag ding “anak ng tunay na Diyos” o “anak ng Diyos” ang iba pang espiritung nilalang (Gen 6:2, 4; Job 1:6; 2:1; 38:4-7), pero ang lahat ng mga anak na iyon ay nilalang ni Jehova sa pamamagitan ng panganay na Anak (Col 1:15, 16). Kaya ang terminong mo·no·ge·nesʹ ay tumutukoy sa pagiging natatangi ni Jesus at nag-iisa sa kaniyang uri at sa pagiging kaisa-isang anak na direktang nilalang ng Diyos nang walang katulong.​—1Ju 5:18; tingnan ang study note sa Heb 11:17.

      nasa kaniya ang pabor ng Diyos at nagtuturo siya ng katotohanan: Nasa “Salita,” kay Jesu-Kristo, ang pabor ng Diyos, at lagi siyang nagsasabi ng katotohanan. Pero ipinapakita ng konteksto na hindi lang dito tumutukoy ang pariralang ito; espesipikong pinili ni Jehova ang Anak niya para ipaliwanag at ipakita nang lubusan ang katotohanan at walang-kapantay na kabaitan ng Ama. (Ju 1:16, 17) Kitang-kita kay Jesus ang mga katangiang ito ng Diyos kaya puwede niyang sabihin: “Sinumang nakakita sa akin ay nakakita rin sa Ama.” (Ju 14:9) Si Jesus ang ginamit ng Diyos para maghatid ng katotohanan at ng Kaniyang walang-kapantay na kabaitan sa mga gustong tumanggap nito.

      pabor ng Diyos: O “walang-kapantay na kabaitan; di-sana-nararapat na kabaitan.” Ang salitang Griego na khaʹris ay lumitaw nang mahigit 150 beses sa Kristiyanong Griegong Kasulatan at may iba’t ibang kahulugan, depende sa konteksto. Kapag tumutukoy sa walang-kapantay na kabaitang ipinapakita ng Diyos sa mga tao, inilalarawan ng salitang ito ang isang regalo na ibinibigay ng Diyos dahil sa pagkabukas-palad niya, kabaitan, at pag-ibig nang walang inaasahang kapalit. Hindi ito tinatanggap ng isa dahil sa anumang nagawa niya; ibinigay lang ito sa kaniya dahil sa pagiging bukas-palad ng pinagmulan nito. (Ro 4:4; 11:6) Ang terminong ito ay hindi naman nangangahulugang hindi karapat-dapat tumanggap ng ganitong kabaitan ang isa, dahil si Jesus mismo ay tumanggap nito mula sa Diyos. Kapag ginagamit ang terminong ito para kay Jesus, angkop lang na isalin itong “pabor ng Diyos,” gaya sa talatang ito. (Luc 2:40) Sa ibang konteksto, ang terminong Griego ay isinasaling “pinapaboran,” “kusang-loob na abuloy,” o “tulong.”​—Luc 1:30, tlb.; 1Co 16:3; 2Co 8:19.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share