-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga 44 hanggang 66 na litro: Lit., “dalawa o tatlong sukat ng likido.” Sinasabi ng maraming iskolar na ang sukat na binabanggit dito (sa Griego, me·tre·tesʹ) ay katumbas ng takal na bat ng mga Hebreo. Batay sa mga piraso ng banga na may nakasulat na “bat” sa sinaunang letrang Hebreo, naniniwala ang ilang iskolar na ang isang bat ay mga 22 L (5.81 gal). (1Ha 7:26; Ezr 7:22; Eze 45:14) Kung gayon, ang bawat banga ay makapaglalaman ng mga 44 hanggang 66 L (11.6 hanggang 17.4 gal), at ang anim na banga ay makapaglalaman ng mga 260 hanggang 390 L (68.6 hanggang 103 gal). Pero may mga iskolar na naniniwala na posibleng mas malaking Griegong yunit ng pagsukat (hanggang 40 L [10.5 gal]) ang tinutukoy rito.—Tingnan ang Ap. B14.
-