-
Juan 4:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Nakahihigit ka ba sa ninuno naming si Jacob? Siya ang nagbigay sa amin ng balong ito, at uminom siya rito, pati na ang kaniyang mga anak at mga alagang baka.”
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ninuno naming si Jacob: Sinasabi ng mga Samaritano na ninuno nila si Jacob kay Jose, pero malamang na hindi sang-ayon dito ang maraming Judio. Para idiin ang banyagang pinanggalingan ng mga Samaritano, tinatawag sila ng ilang Judio na “Cuthim,” o “Cuteano,” Hebreong termino para sa mga taga-Cut (o taga-Cuta). Ang Cut at Cuta ay parehong tumutukoy sa lupaing pinanggalingan ng mga taong ipinatapon ng hari ng Asirya sa mga lunsod ng Samaria pagkatapos ipatapon ang Israel noong 740 B.C.E. Ang lokasyon nito ay posibleng mga 50 km (30 mi) sa hilagang-silangan ng Babilonya.—2Ha 17:23, 24, 30.
-