-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga Judio: Lumilitaw na tumutukoy ito sa mga Judiong lider ng relihiyon, gaya ng ipinapahiwatig ng tanong ni Jesus sa kanila sa talata 19: “Bakit gusto ninyo akong patayin?”—Tingnan ang study note sa Ju 7:1.
Kasulatan: Lit., “mga letra.” Ang ekspresyong “alam ang mga letra” ay isang idyoma na nangangahulugang “may kaalaman sa mga akda (mga aklat, literatura).” Sa kontekstong ito, lumilitaw na tumutukoy ito sa kaalaman sa Kasulatan.
hindi naman siya naturuan sa mga paaralan: O “hindi naman siya tinuruan.” Lit., “hindi naman siya natuto.” Hindi naman ito nangangahulugan na hindi nakapag-aral si Jesus; hindi lang siya nag-aral sa matataas na paaralan ng mga rabbi.
-