-
Juan 9:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Pero hindi namin alam kung paano nangyaring nakakakita na siya ngayon. Hindi rin namin alam kung sino ang nagpagaling sa kaniya. Tanungin ninyo siya. Nasa hustong gulang na siya. Siya ang dapat sumagot sa inyo.”
-
-
Juan 9:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Ngunit kung paano ngang nakakakita siya ngayon ay hindi namin alam, o kung sino ang nagdilat ng kaniyang mga mata ay hindi namin alam. Tanungin ninyo siya. Nasa hustong gulang na siya. Dapat siyang magsalita para sa kaniyang sarili.”
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Nasa hustong gulang na siya: O “Malaki na siya.” Ang ekspresyong ito ay puwedeng tumukoy sa edad ng mga lalaki kung kailan puwede na silang maglingkod sa hukbo ayon sa Kautusang Mosaiko, sa edad na 20. (Bil 1:3) Kaya naman sa ulat, tinawag siyang ‘lalaki’ (Ju 9:1), at hindi bata, at sinabing naging pulubi siya noon (Ju 9:8). Naniniwala naman ang iba na ang ekspresyong ito ay tumutukoy sa edad kung kailan masasabing adulto na ang isa ayon sa batas ng mga Judio, sa edad na 13.
-