-
Juan 10:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Sinabi ni Jesus sa kanila ang paghahambing na ito, pero hindi nila iyon naintindihan.
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
paghahambing: Si Juan lang ang manunulat ng Ebanghelyo na gumamit ng salitang Griego na pa·roi·miʹa. (Ju 10:6; 16:25, 29) Kahawig ito ng kahulugan ng salitang Griego na pa·ra·bo·leʹ (“ilustrasyon” o “talinghaga”) na maraming beses na ginamit sa ibang Ebanghelyo pero hindi ginamit sa ulat ni Juan. (Tingnan ang study note sa Mat 13:3.) Ang salitang pa·roi·miʹa ay puwede ring tumukoy sa paghahambing. Ito ang terminong ginamit ni Pedro para sa “kawikaan” tungkol sa aso na kumain ulit ng suka nito at sa babaeng baboy na lumublob ulit sa putikan. (2Pe 2:22) Ito rin ang pangngalang ginamit para sa pamagat ng aklat ng Kawikaan sa Griegong Septuagint.
-