Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 10:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kapag nakita ng taong upahan na dumarating ang lobo,* iniiwan niya ang mga tupa at tumatakas dahil hindi siya isang pastol at hindi sa kaniya ang mga tupa. Sinusunggaban ng lobo ang mga tupa at binubulabog ang mga ito.

  • Juan 10:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Ang taong upahan,+ na hindi pastol at hindi sa kaniya ang mga tupa, ay nakakakita na dumarating ang lobo at iniiwan ang mga tupa at tumatakas—at inaagaw sila ng lobo at pinangangalat sila+—

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 10:12

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 707-708

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10:12

      taong upahan: Mahalagang pag-aari ang isang kawan ng tupa, kaya kadalasan nang ang may-ari, mga anak niya, o isang kamag-anak ang nag-aalaga sa walang kalaban-laban na mga nilalang na ito. (Gen 29:9; 30:31; 1Sa 16:11) Puwede ring umupa ang may-ari ng mag-aalaga sa mga tupa. Pero kadalasan na, ginagawa ito ng taong upahan dahil sa kikitain niya, hindi dahil sa katapatan niya sa may-ari o malasakit sa mga tupa. (Ihambing ang Job 7:1, 2.) Sa Kasulatan, ginagamit ang pagpapastol para tumukoy sa pag-aalaga, pagprotekta, at paglalaan sa tulad-tupang mga lingkod ng Diyos. (Gen 48:15) Hindi dapat tularan ng mga pastol sa kongregasyong Kristiyano ang saloobin ng “taong upahan.” (Ju 10:13) Sa halip, sinisikap nilang tularan ang halimbawa ni Jehova bilang mapagmalasakit na Pastol ng kaniyang bayan (Aw 23:1-6; 80:1; Jer 31:10; Eze 34:11-16) at ang mapagsakripisyong pag-ibig ni Jesus, “ang mabuting pastol.”—Ju 10:11, 14; Gaw 20:28, 29; 1Pe 5:2-4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share