-
Juan 11:44Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
44 At lumabas ang taong namatay, na nababalutan ng tela ang mga paa at kamay, pati ang mukha. Sinabi ni Jesus: “Alisin ninyo ang nakabalot sa kaniya para makalakad siya.”
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nababalutan ng tela . . . ang mukha: Kaugalian ng mga Judio na ihanda sa libing ang katawan ng namatay sa pamamagitan ng pagbabalot dito ng malinis na telang lino na may kasamang mababangong sangkap. Pero hindi ito pag-eembalsamo, gaya ng ginagawa ng mga Ehipsiyo. (Gen 50:3; Mat 27:59; Mar 16:1; Ju 19:39, 40) Nang buhaying muli si Lazaro at lumabas siya sa libingan, ang mukha niya ay nababalutan pa rin ng telang ginamit sa ulo niya. Ang salitang Griego na sou·daʹri·on, na isinalin ditong “tela,” ay tumutukoy sa isang maliit na tuwalya o bimpo. Ito rin ang salitang Griego na ginamit sa Ju 20:7 para sa “telang ginamit sa ulo” ni Jesus.
-