-
Juan 13:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Pagkatapos, naglagay siya ng tubig sa palanggana at hinugasan niya ang mga paa ng mga alagad at tinuyo ang mga iyon ng tuwalyang nakatali sa kaniya.
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
hinugasan niya ang mga paa ng mga alagad: Sa sinaunang Israel, sandalyas ang pinakakaraniwang isinusuot ng mga tao sa paa. Suwelas lang ito na may sintas, kaya siguradong dudumi ang paa ng isang manlalakbay dahil sa alikabok o putik sa daan. Kaya kaugalian nila noon na alisin ang sandalyas nila bago pumasok sa isang bahay, at titiyakin ng mapagpatuloy na may-bahay na mahugasan ang paa ng mga bisita niya. Makikita ang kaugaliang ito sa maraming ulat ng Bibliya. (Gen 18:4, 5; 24:32; 1Sa 25:41; Luc 7:37, 38, 44) Nang hugasan ni Jesus ang paa ng mga alagad niya, ginamit niya ang kaugaliang ito para ituro sa mga alagad niya na dapat silang maging mapagpakumbaba at maglingkod sa isa’t isa.
nakatali sa kaniya: O “nakabigkis sa kaniya.”—Tingnan ang study note sa Ju 13:4.
-