Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 13:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Kaya kung ako na Panginoon at Guro ay naghugas ng mga paa ninyo,+ dapat* din kayong maghugas ng mga paa ng isa’t isa.+

  • Juan 13:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Samakatuwid, kung ako, bagaman Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa,+ kayo rin ay dapat na maghugas ng mga paa ng isa’t isa.+

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 13:14

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 509-510

      Jesus—Ang Daan, p. 268-269

      Ang Bantayan,

      3/15/2003, p. 4-5

      2/1/2002, p. 15

      3/1/1999, p. 30-31

      6/15/1990, p. 8-9

      Guro, p. 38-39

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13:14

      dapat: O “obligado.” Ang pandiwang Griego na ginamit dito ay kadalasan nang ginagamit sa mga kontekstong may kaugnayan sa pera, at pangunahin itong nangangahulugan na “may utang.” (Mat 18:28, 30, 34; Luc 16:5, 7) Pero dito at sa ibang konteksto, mas malawak ang ibig sabihin nito at nangangahulugang obligado ang isa na gawin ang isang bagay.—1Ju 3:16; 4:11; 3Ju 8.

      maghugas ng mga paa ng isa’t isa: Makikita sa konteksto na nang sabihin ito ni Jesus, tinuturuan niya ang tapat niyang mga tagasunod na mapagpakumbabang maglingkod sa mga kapatid nila, hindi lang para mailaan ang pangangailangan ng mga ito sa pisikal, kundi pati sa espirituwal. Katatapos lang niyang turuan ang mga alagad na maging mapagpakumbaba at paglingkuran ang isa’t isa nang hugasan niya ang mga paa nila kahit siya ang Panginoon. Pagkatapos, sinabi niya: “Kayo ay malilinis, pero hindi lahat.” (Ju 13:10) Ipinapakita nito na hindi lang literal na paghuhugas ng mga paa ang tinutukoy niya. Sinasabi sa Efe 5:25, 26 na nililinis ni Jesus ang kongregasyong Kristiyano “sa pamamagitan ng tubig, ang salita ng Diyos.” Matutularan ng mga alagad si Jesus kung tutulungan nila ang isa’t isa na makaiwas sa tukso sa araw-araw at sa impluwensiya ng mundo na makakapagparumi sa isang Kristiyano.—Gal 6:1; Heb 10:22; 12:13.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share