-
Juan 13:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Sinasabi ko sa inyo, ang alipin ay hindi mas dakila kaysa sa panginoon niya, at ang isinugo ay hindi mas dakila kaysa sa nagsugo sa kaniya.
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang isinugo: O “ang mensahero; ang apostol.” Ang salitang Griego na a·poʹsto·los (mula sa pandiwang a·po·stelʹlo, na nangangahulugang “isugo”) ay isinaling “apostol” nang 78 beses sa 80 paglitaw nito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. (Sa Fil 2:25, ang salitang Griego na ito ay isinaling “isinugo.”) Dito lang lumitaw ang terminong Griego na ito sa Ebanghelyo ni Juan.—Mat 10:5; Luc 11:49; 14:32; tingnan ang study note sa Mat 10:2; Mar 3:14 at Glosari, “Apostol.”
-