-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kumakaing kasama ko: Lit., “kumakain ng tinapay ko.” Ang pagkain ng tinapay kasama ng isa ay tanda ng pagkakaibigan, na nagpapakitang may mapayapang ugnayan ang bisita at ang may-bahay. (Gen 31:54; ihambing ang Exo 2:20 at 18:12, kung saan ang ekspresyong Hebreo para sa “kumain ng tinapay” ay isinaling “makakain” at “kumain.”) Itinuturing na pinakamasamang uri ng traidor ang isang bisita na kumain ng tinapay kasama ng may-bahay pero ginawan ito ng masama.—Aw 41:9.
kumalaban sa akin: Lit., “nagtaas ng sakong laban sa akin.” Sinipi dito ni Jesus ang hula sa Aw 41:9, na puwedeng literal na isaling “nagtaas ng sakong laban sa akin.” Inilalarawan doon ni David ang isang traidor na kaibigan, na posibleng si Ahitopel, ang “tagapayo ni David.” (2Sa 15:12) Ginamit naman ito ni Jesus para kay Hudas Iscariote. Kaya sa kontekstong ito, ang literal na ekspresyon ay nagpapahiwatig ng pagtatraidor.
-