Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 14:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At anuman ang hingin ninyo sa pangalan ko, ibibigay ko iyon, para maluwalhati ang Ama sa pamamagitan ng Anak.+

  • Juan 14:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Gayundin, anuman ang inyong hingin sa pangalan ko, gagawin ko ito, upang ang Ama ay maluwalhati may kaugnayan sa Anak.+

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 14:13

      Ang Bantayan,

      8/1/1990, p. 8

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 198

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14:13

      anuman ang hingin ninyo sa pangalan ko: Sinasabi dito ni Jesus ang isang bagong paraan ng pananalangin. Dati, hindi hinihiling ni Jehova sa bayan niya na manalangin sa pangalan ninuman. Halimbawa, kahit na si Moises ang tagapamagitan noon ng bansang Israel at ng Diyos, hindi sinabi ni Jehova sa mga Israelita na manalangin sila sa pangalan ni Moises. Pero sa huling gabi ni Jesus kasama ang mga alagad niya, apat na beses niyang sinabing ‘humingi sa pangalan ko’ para ituro ang bagong paraang ito ng pananalangin. (Ju 14:13, 14; 15:16; 16:23, 24) Dahil binili ni Jesus ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaniyang perpektong buhay bilang pantubos, makakarating lang sa mga tao ang mga pagpapala ng Diyos sa pamamagitan niya. (Ro 5:12, 18, 19; 1Co 6:20; Gal 3:13) Dahil sa ginawa ni Jesus, siya ang nag-iisang legal na Tagapamagitan ng Diyos at ng mga tao (1Ti 2:5, 6), at sa pamamagitan lang niya makakalaya ang isang tao sa sumpa ng kasalanan at kamatayan (Gaw 4:12). Kaya makakalapit lang tayo sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus. (Heb 4:14-16) Ang mga nananalangin sa pangalan ni Jesus ay kumikilala sa napakahalagang papel niyang ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share