Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 14:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 ang espiritu ng katotohanan,+ na hindi matatanggap ng mundo,* dahil ang espiritu ay hindi nakikita o nalalaman ng mundo.+ Kilala ninyo iyon, dahil iyon ay nananatili sa inyo at sumasainyo.

  • Juan 14:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 ang espiritu ng katotohanan,+ na hindi matatanggap ng sanlibutan,+ sapagkat iyon ay hindi nito nakikita ni nalalaman. Kilala ninyo iyon, sapagkat namamalagi iyon sa inyo at sumasainyo.+

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 14:17

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 716

      Jesus—Ang Daan, p. 275

      Ang Bantayan,

      9/15/1992, p. 15-16

      Trinidad, p. 22

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14:17

      ang espiritu . . . sumasainyo: Sa talatang ito, dalawang beses lumitaw ang Griegong panghalip na au·toʹ, na walang kasarian at tumutukoy sa salitang Griego para sa espiritu (pneuʹma), na wala ring kasarian.—Tingnan ang study note sa Ju 14:16.

      espiritu: O “aktibong puwersa.” Ang terminong Griego na pneuʹma ay walang kasarian, kaya wala ring kasarian ang mga panghalip na ginagamit para dito. Marami itong kahulugan. Pero ang lahat ng tinutukoy ng salitang ito ay di-nakikita at nagpapatunay na may kumikilos na puwersa. (Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”) Sa kontekstong ito, ang “espiritu” ay tumutukoy sa banal na espiritu ng Diyos, na tinawag ditong espiritu ng katotohanan. Ginamit din ang ekspresyong ito sa Ju 15:26 at 16:13, kung saan ipinaliwanag ni Jesus na “gagabayan” ng “katulong” na ito (Ju 16:7), o ng “espiritu ng katotohanan,” ang mga alagad niya “para lubusan [nilang] maunawaan ang katotohanan.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share