-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
dahil sa pangalan ko: Sa Bibliya, ang terminong “pangalan” ay tumutukoy kung minsan sa mismong tao na nagtataglay nito, sa reputasyon niya, at sa lahat ng kinakatawan niya. (Tingnan ang study note sa Mat 6:9.) Ang pangalan ni Jesus ay kumakatawan din sa awtoridad at posisyong ibinigay sa kaniya ng kaniyang Ama. (Mat 28:18; Fil 2:9, 10; Heb 1:3, 4) Ipinapaliwanag dito ni Jesus kung bakit magiging laban ang sanlibutan sa mga tagasunod niya: dahil hindi nila kilala ang nagsugo sa kaniya. Kung kilala nila ang Diyos, maiintindihan nila at kikilalanin kung ano ang kinakatawan ng pangalan ni Jesus. (Gaw 4:12) Kasama dito ang posisyon niya bilang ang Tagapamahala na hinirang ng Diyos, ang Hari ng mga hari, na dapat sundin ng lahat ng tao para magkaroon sila ng buhay na walang hanggan.—Ju 17:3; Apo 19:11-16; ihambing ang Aw 2:7-12.
-