-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
inuman ang kopa: Sa Bibliya, ang “kopa” ay madalas na sumasagisag sa kalooban ng Diyos, o “nakalaang bahagi,” para sa isang tao. (Aw 11:6; 16:5; 23:5) Ang ekspresyon dito na “inuman ang kopa” ay nangangahulugang magpasakop sa kalooban ng Diyos. Sa kaso ni Jesus, ang “kopa” ay tumutukoy sa paghihirap at kamatayang daranasin niya dahil sa maling paratang ng pamumusong, pati na sa pagkabuhay niyang muli bilang isang imortal na espiritu sa langit.—Tingnan ang study note sa Mat 20:22; 26:39.
-