-
Juan 19:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Kaya pagkarinig ni Pilato sa sinabi nila, inilabas niya si Jesus, at umupo siya sa luklukan ng paghatol sa lugar na tinatawag na Latag ng Bato, pero sa Hebreo ay Gabata.
-
-
Juan 19:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Sa gayon, pagkarinig sa mga salitang ito, dinala ni Pilato si Jesus sa labas, at umupo siya sa luklukan ng paghatol sa dako na tinatawag na Ang Latag ng Bato, ngunit sa Hebreo ay Gabata.
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
luklukan ng paghatol: Tingnan ang study note sa Mat 27:19.
Latag ng Bato: Ang lugar na ito ay tinatawag sa Hebreo na Gabata. Hindi tiyak kung saan nakuha ang salitang ito, pero posibleng nangangahulugan itong “burol,” “mataas na lugar,” o “hantad na lugar.” Sa Griego, ang tawag dito ay Li·thoʹstro·ton (Latag ng Bato), at posibleng tumutukoy ito sa isang latag ng bato na simple lang o may dekorasyon; iniisip ng ilang iskolar na posibleng isa itong magandang mosaic. Ang lokasyon nito ay posibleng nasa isang hantad na lugar sa harap ng palasyo ni Herodes na Dakila, pero iba naman ang sinasabi ng ilang iskolar. Hindi tiyak ang eksaktong lokasyon nito.
Hebreo: Tingnan ang study note sa Ju 5:2.
-