-
Juan 21:22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 Sumagot si Jesus: “Kung kalooban kong manatili siya hanggang sa dumating ako, ano ang ikinababahala mo? Patuloy kang sumunod sa akin.”
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
hanggang sa dumating ako: Mula sa pananalitang ito, posibleng naunawaan ng iba pang apostol na mas matagal na mabubuhay sa kanila si apostol Juan. Ang totoo, mula nang sabihin ito ni Jesus, halos 70 taon pa siyang nakapaglingkod nang tapat at malamang na siya ang huling apostol na namatay. Posibleng naalala rin ng mga alagad ni Jesus sa ekspresyong “hanggang sa dumating ako” ang sinabi niya tungkol sa “Anak ng tao na dumarating sa kaniyang Kaharian.” (Mat 16:28) At masasabing nanatili talaga si Juan hanggang sa dumating si Jesus. Noong malapit na siyang mamatay habang isa siyang tapon sa isla ng Patmos, may nakita siyang kamangha-manghang pangitain. Tungkol ito sa mga mangyayari sa “araw ng Panginoon” kung kailan darating si Jesus bilang Hari ng Kaharian. Naging totoong-totoo kay Juan ang kamangha-manghang mga pangitaing ito, kaya nang sabihin ni Jesus: “Oo, malapit na akong dumating,” sumagot si Juan: “Amen! Dumating ka nawa, Panginoong Jesus.”—Apo 1:1, 9, 10; 22:20.
-