10 At samantalang nakatitig sila sa kalangitan habang siya ay yumayaon,+ gayundin, narito! dalawang lalaki na may mapuputing+ kasuutan ang tumayo sa tabi nila,
dalawang lalaki na nakaputing damit: Tumutukoy sa mga anghel. (Ihambing ang Luc 24:4, 23.) Sa aklat ng Gawa, 21 beses lumitaw ang terminong Griego na agʹge·los (isinaling “anghel”); ang unang paglitaw ay nasa Gaw 5:19.