-
Gawa 1:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 at sinabi ng mga ito: “Mga lalaki ng Galilea, bakit kayo nakatayo at nakatingin sa langit? Ang Jesus na ito na kasama ninyo noon at iniakyat sa langit ay darating din sa katulad na paraan kung paano ninyo siya nakitang umakyat sa langit.”
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
langit: Ang salitang Griego na ou·ra·nosʹ, na tatlong beses lumitaw sa talatang ito, ay puwedeng tumukoy sa literal o sa espirituwal na langit.
darating din sa katulad na paraan: Madalas gamitin sa Kasulatan ang salitang Griego para sa “darating” (erʹkho·mai), at iba-iba ang kahulugan nito. Sa ilang konteksto, tumutukoy ito sa pagdating ni Jesus bilang Hukom para maghayag at maglapat ng hatol sa panahon ng malaking kapighatian. (Mat 24:30; Mar 13:26; Luc 21:27) Pero ginamit din ang salitang Griego na ito sa iba pang konteksto na may kaugnayan kay Jesus. (Mat 16:28; 21:5, 9; 23:39; Luc 19:38) Kaya ang ibig sabihin ng terminong “darating” sa talatang ito ay nakadepende sa konteksto. Sinabi ng mga anghel na si Jesus ay “darating,” o babalik, sa katulad na “paraan” (sa Griego, troʹpos) kung paano siya umalis. Ang terminong troʹpos ay hindi tumutukoy sa katulad na anyo, hugis, o katawan, kundi sa katulad na paraan. Gaya ng makikita sa konteksto, ang paraan ng pag-alis ni Jesus ay hindi nakita ng maraming tao. Ang mga apostol lang ang nakakaalam na wala na si Jesus sa lupa at bumalik na sa kaniyang Ama sa langit. Ipinahiwatig na noon ni Jesus na ang pagbabalik niya bilang Hari ng “Kaharian ng Diyos” ay hindi magiging kapansin-pansin sa lahat—mga alagad lang niya ang makakaalam na nangyari ito. (Luc 17:20; tingnan ang study note.) Iba rin ang ‘pagdating’ na binabanggit sa Apo 1:7. Sa pagkakataong iyon, “makikita siya ng bawat mata.” (Apo 1:7) Kaya batay sa konteksto ng Gaw 1:11, ang terminong “darating” ay maliwanag na tumutukoy sa di-nakikitang pagdating ni Jesus bilang Hari ng Kaharian ng Diyos sa pasimula ng kaniyang presensiya.—Mat 24:3.
-