Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 1:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Pagkatapos, bumalik sila sa Jerusalem+ mula sa Bundok ng mga Olibo, na malapit sa Jerusalem—mga isang kilometro lang ang layo.*

  • Gawa 1:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Nang magkagayon ay bumalik+ sila sa Jerusalem mula sa bundok na tinatawag na Bundok ng mga Olibo, na malapit sa Jerusalem, na isang araw ng sabbath na paglalakbay ang layo.+

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:12

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 390

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 664

      Ang Bantayan,

      10/1/2008, p. 11

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:12

      mga isang kilometro lang ang layo: O “ang layo ay kasinghaba ng paglalakbay na ipinapahintulot sa araw ng Sabbath.” Distansiya ito sa pagitan ng Bundok ng mga Olibo at ng lunsod ng Jerusalem. Sa Kautusan, limitado lang ang distansiya na puwedeng lakbayin tuwing Sabbath, pero hindi ito nagbigay ng eksaktong layo. (Exo 16:29) Sa paglipas ng panahon, itinakda na sa mga akda ng mga rabbi ang distansiya na puwedeng lakbayin ng isang Judio sa araw na iyon—mga 2,000 siko (890 m; 2,920 ft). Interpretasyon nila ito sa Bil 35:5: “Susukat kayo ng 2,000 siko sa silangan” at sa utos na nasa Jos 3:3, 4 na nagsasabing dapat na mga 2,000 siko ang distansiya ng mga Israelita mula sa “kaban ng tipan.” Nangangatuwiran ang mga rabbi na puwede namang maglakbay ang isang Israelita nang ganoon kalayo kapag Sabbath para makasamba sa tabernakulo. (Bil 28:9, 10) Posibleng tinuos ni Josephus ang distansiya mula sa dalawang magkaibang lokasyon na puwedeng panggalingan, kaya dalawang distansiya sa pagitan ng Jerusalem at ng Bundok ng mga Olibo ang binanggit niya. Ang isa ay limang estadyo (925 m; 3,034 ft) at ang isa ay anim na estadyo (1,110 m; 3,640 ft). Magkaiba mang distansiya ang binanggit niya, pareho itong malapit sa distansiyang itinakda ng mga rabbi na puwedeng lakbayin tuwing sabbath, at kaayon ito ng sinabi ni Lucas sa tekstong ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share