-
Gawa 1:23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 Kaya nagmungkahi sila ng dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas at tinatawag ding Justo, at si Matias.
-
-
Gawa 1:23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 Kaya nagharap sila ng dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas, na may huling pangalang Justo, at si Matias.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Matias: Ang pangalang Griego na Math·thiʹas ay posibleng pinaikling Mat·ta·thiʹas, na kinuha sa pangalang Hebreo na isinasaling “Matitias” (1Cr 15:18), na nangangahulugang “Regalo ni Jehova.” Ayon kay Pedro (Gaw 1:21, 22), si Matias ay isa sa mga tagasunod ni Kristo sa buong tatlo-at-kalahating-taóng ministeryo ni Jesus. Malapít siya sa mga apostol, at malamang na isa siya sa 70 alagad na isinugo ni Jesus para mangaral. (Luc 10:1) Pagkapili kay Matias, “ibinilang siyang kasama ng 11 apostol” (Gaw 1:26), kaya mula noon, sa tuwing babanggitin sa aklat ng Gawa ang “mga apostol” o ang “12 apostol,” kasama na doon si Matias.—Gaw 2:37, 43; 4:33, 36; 5:12, 29; 6:2, 6; 8:1, 14.
-