25 Sapagkat sinasabi ni David may kaugnayan sa kaniya, ‘Laging nasa harap ng aking mga mata si Jehova; sa dahilang siya ay nasa aking kanan upang hindi ako matinag.+
Jehova: Sa pagsiping ito sa Aw 16:8, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo.—Tingnan ang Ap. C.