Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 2:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Isa siyang propeta at alam niya na ang Diyos ay nangako* sa kaniya na isa sa mga supling* niya ang uupo sa kaniyang trono,+

  • Gawa 2:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Kaya nga, sapagkat siya ay isang propeta at nalalaman na ang Diyos ay sumumpa sa kaniya ng isang sumpa na pauupuin niya sa kaniyang trono ang isa mula sa bunga ng kaniyang mga balakang,+

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:30

      Kaunawaan, p. 303-304, 973

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:30

      Diyos: Sa mga natitirang manuskritong Griego sa ngayon, ginamit dito ang salitang The·osʹ, “Diyos.” Kapansin-pansin na sa ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (may code na J7, 8, 10 sa Ap. C4), ginamit dito ang Tetragrammaton.

      isa sa mga supling niya: Ipinangako kay David na isa sa mga inapo niya ang magiging Mesiyas, ang “supling” na ipinangako sa Gen 3:15. (2Sa 7:12, 13; Aw 89:3, 4; 132:11) Natupad ang pangakong ito kay Jesus dahil ang kaniyang ina at ama-amahan ay parehong inapo ni Haring David. Ang pariralang Griego na isinaling “supling” ay kahawig ng idyomang Hebreo na puwedeng literal na isaling “bunga ng balakang.” Sa mga tao, nasa bandang balakang ang mga bahagi ng katawan na may kaugnayan sa pag-aanak. (Gen 35:11, tlb.; 1Ha 8:19, tlb.) Ang anak ng isang tao ay tinatawag ding “bunga ng sinapupunan,” at may iba pang kahawig na mga ekspresyon kung saan ang “bunga” ay tumutukoy sa anak.—Gen 30:2, tlb.; Deu 7:13, tlb.; Aw 127:3; Pan 2:20, tlb.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share