Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 2:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 Hindi umakyat si David sa langit, pero siya mismo ang nagsabi, ‘Sinabi ni Jehova* sa Panginoon ko: “Umupo ka sa kanan ko

  • Gawa 2:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 Sa katunayan hindi umakyat si David sa langit,+ kundi siya mismo ang nagsasabi, ‘Sinabi ni Jehova sa aking Panginoon: “Umupo ka sa aking kanan,+

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:34

      Jehova: Ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo sa Aw 110:1, na sinipi dito. Pero gaya ng ipinaliwanag sa Ap. A5, hindi ginamit ang pangalan ng Diyos sa karamihan ng salin ng Bagong Tipan, kahit pa nga sa mga pagsipi mula sa Hebreong Kasulatan. Gayunman, kapansin-pansin na sa ilang edisyon ng King James Version noong ika-17 siglo, ginamit ang “PANGINOON” na nasa malaking letra at pinaliit na malalaking letra sa tekstong ito at sa tatlong iba pang teksto sa Kristiyanong Griegong Kasulatan kung saan sinipi ang Aw 110:1. (Mat 22:44; Mar 12:36; Luc 20:42) Ganito rin ang ginawa sa mas bagong mga edisyon. Dahil ginagamit ng saling iyon ang “PANGINOON” sa mga teksto sa Hebreong Kasulatan kung saan ang orihinal na mababasa ay ang pangalan ng Diyos, ang paggamit nito ng “PANGINOON” sa mga teksto sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ay nagpapakitang iniisip ng mga tagapagsalin na si Jehova ang tinutukoy sa mga talatang iyon. Kapansin-pansin din na sa New King James Version, na unang inilathala noong 1979, ginamit na ang “PANGINOON” sa lahat ng pagsipi mula sa Hebreong Kasulatan kung saan lumitaw ang pangalan ng Diyos.—Tingnan ang Ap. C.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share